Monday, April 23, 2007
yoko
mahirapan. Ayokong maging purita. Ayokong makasakit. Ayokong masaktan.
Ayoko talaga...kaya lang bawal umayaw.
Saturday, April 14, 2007
General Cleaning: Paghahanda sa Virtual Mode
Naranasan ko na yung makipagpalitan ng mga nakaw na sulyap. Nakapagtago na rin ako ng tissue, ballpen, pinagtasahan ng lapis, panyo, crumpled paper at kung anu-ano pa. Isangkatutak na mga bagay na kinolekta kasi feeling ko napapalapit ako sa mga taong gusto ko kapag naitatabi ko ang mga bagay na nahawakan, nagamit o nahingahan niya. Kanina lang naglinis ako ng bodega. Nakita ko lahat ng mga alaala.
Sentimental akong tao. Sa totoo lang kaya naging bodega ang dalawang kwarto sa bahay ko, hindi ko kasi kayang magtapon ng alaala. Kahit pa idispatya ko sa buhay ko ang kung sinu-sino, yung memories laging parang feeling ko kelangan kong itabi for future use. Pero kanina naitapon ko lahat. Inisa-isa ko muna. Mga litrato ni ex, mga highschool poems, mga nanlalagkit na lumang journals, picture ni ganito, picture ni ganun, souvenir sa ganito, souvenir sa ganun. Ultimo giftwrap ng unang regalo ng ex ko naitabi ko pa pala. Marami ring souvenir programs ng mga plays na nagustuhan ko, with matching tickets.
Tinapon ko lahat. Pati yung kauna-unahan kong dance shoes at koleksyon ko ng mga ticket ng bus. Syempre unang dahilan ko ayaw ko na ng kalat at nanghihinayang ako sa espasyo. Pero bukod dun, gusto ko na kasi makalimot. Ang labo kasi ng memorya ko. Malilimutin ako sa halos lahat ng bagay. Pero sa mga bagay na masasakit, photographic ito. Isa pa, hindi na kasi uso ang magpacute ngayon, magtago ng dahon, bato, straw, resibo at kung anu-ano pa. Ang pakyutan kasi ngayon virtual na. Naaastigan ako sa ideya na may non-verbal communication sa cyberspace to think na salita ang pangunahing elemento nito. E.g. ang pagtingin sa 'WHo's Viewed Me" with mental tally sheets kung ilang beses ka sinilip ng crush mo. Nakakatuwa at nakakaloka at the same time. May isang babae nagpopost ng kung anikanik na sweetsweetan songs dedicated sa isang lalaki na nagpopost din ng panunuyo songs kay babae. Di nila bineverbalize. Di din alam ng buong cyberworld. Pero nagkakaibigan na sila nang ganun.
Amazed ako sa cyberworld. At higit sa lahat, thankful ako. Natulungan akong hindi maging masyadong attached sa mga bagay. Yung tipong alam ko sa sarili ko na virtual lang ito kaya pwedeng mawala sa isang iglap. Kahit itong multiply account ko pwedeng mawala kasama na yung mga exchange of thoughts natin dito. Ganun din naman dapat sa real world eh. Madalas magtatago ka ng mga abubot para sana 20 or so years from now magkasabay niyong titignan ng kung sino man o kaya ididikit sa slumbook. Parang patunay kasi yun na nagbibigay ka ng sobrang pagpapahalaga sa kung sino man. Iyang ideyang 'yan nagdulot ng alikabok, ipis, lumot at anay sa bahay ko at sa isip ko. Kailangan na talaga ng general cleaning ng espasyo at ng utak, puso at gunita.
May kaibigan ako. Binigyan niya ko ng isang pahina ng brown paper galing sa journal niya. Sabi niya hahanapin niya daw yun sa akin balang araw. Neknek. Baka itapon ko na rin. Anu'ng silbi ng mga bagay-bagay kung hindi naman napapangalagaan ang relasyong nanggagaling sa kalooblooban mo.
Hindi naman ako bitter. Ayoko na lang ng attachments.