REKORIDA (pangngalan) : distansiyang nilalakbay o dinadaanan kapag palagiang naglalakbay (UP Diksyonaryong Filipino, 2001)
Elipsis.
Kinalimutan na nga ba sila ng panahon?
Ang penomena ng migrasyon at diaspora ay di na lingid sa atin, ang sapilitang paglisan sa kinalakihang bayan dahil sa kakulangan ng oportunidad at kakayahang mamuhay nang matiwasay. Patuloy ang paglaki ng bilang ng mga kababaihang migrante bilang sektor ng manggagawa, mapa-lalawigan-lungsod o Pilipinas-ibang bansa man. At isa sa mga isyung kinakaharap ng isang diasporic na kababaihang manggagawa ay ang kakulangan ng mga batas ng bayang pinagmulan/bayang pinatunguhan, upang siya ay mabigyan ng proteksyon—proteksyon para sa kanyang sarili, identidad, kasarian, kasanayan.
Bilang isang pagpupugay sa mga sakripisyo, tungggalian at karahasang dinaanan, karanasan at tagumpay ng mga kababaihang migrante at manlilikha, inihahandog ng UP Film Institute ang REKORIDA: Isang Eksibit Para Sa/Ng Mga Kababaihang Manlilikha , mula ika-10 hanggang ika-25 ng Marso 2008, sa Ishmael Bernal Gallery, UP Diliman, sa pamumuno ni Bb. Vivian N. Limpin, isang multdisiplinaryang manlilikha.
Halina’t tunghayan at makibahagi sa paghabi ng [ka]saysay[an] ng ating mga kababaihang manlilikha, patunay na hindi sila kailanman, kayang kalimutan ng espasyo at panahon. Ang mga mag-eeksibit ay sina:
Alena
Grace Javier Alfonso
Tina Basco
Carol Bello
Laya Boquiren
Anne Marie De Guzman
Rovie dela Cruz
Aileen Familara
Avie Felix
Vivian N. Limpin
Marie Frances Madrid
Teta Tulay
Magbubukas ang eksibit sa ika-10 ng Marso, ala-6 ng gabi, sa Ishmael Bernal Gallery, UP Diliman. Bukas para sa publiko.
Para sa mga katanungan, mangyaring tumawag sa UP Film Institute sa: 926.36.40, 926.27.22 (telefax), 981.85.00 loc. 4286. O mag-email sa: upfi.adarna@gmail.com.