Friday, February 9, 2007

Suntukan na lang! Ano? Ano?

Itetext ko sana ng ganito: "ang kapal mo. mamatay ka na sana" o kaya ng "wag na wag ka na babalik dito" o kaya naman "makakaganti din ako sa'yo" pero di man lang ako nakapag-compose. may load ako. di lang ako makatext kasi parang lalu lang ako magiging talunan.


kung sakaling paulanan ko ng mura, masasaktan kaya gaya nung sakit na majombag ng mga insulto? hanep. hamunin ko kaya one-on-one na lang kami? di naman kalakihan ang katawan niya,di nga nagwoworkout eh medyo may tiyan pa. kung tutuusin mas muscular pa nga ako sa kanya. pero bakit kaya nung huli kaming magpisikalan mas malakas pa rin siya? pero di bale na, atleast mas mahina yung suntok kaysa sa bibig niyang mala-kamao ni Pacman.


saan ba mas kapitapitagang matalo? sa usapan o sa bakbakan? mas may dignity bang matalo sa sapakan o sa murahan? pagbigyan niyo na ko... buti nga kahit papaano may choices.


narealize ko... pangbenteng beses ko na yata narealize to ngayon...


tama si Matute; mahirap pala talaga maging babae sa panahon ngayon. kahit na ang digmaan sa laway na lang nabubuhay.

No comments: